Advertisers

Advertisers

Sen. Go: Health Sec. Duque at iba pang opisyal, hindi pa lusot sa Philhealth mess

0 220

Advertisers

“Hindi natatapos sa report na ito ang hangarin nating tuldukan ang katiwalian sa PhilHealth.”

Ito ang tugon ni Senador Christopher “Bong” Go matapos absweltuhin ng DOJ-led task force sina Health Secretary Francisco Duque, dating PhilHealth Senior Vice President Jojo del Rosario at iba pang PhilHealth officers kaugnay sa umano’y illegal IRM disbursement at iba pang anomalya sa ahensiya.

Bagama’t abswelto, tiniyak ni Go na hindi natatapos sa report ng DOJ task force ang hangarin ng administrasyon na tuldukan ang katiwalian sa PhilHealth bagkus ay simula pa lamang ito ng patuloy na kampanya para maalis ang malalim na ugat ng systematic corruption sa bureaucracy.



Sinabi ni Go na umaasa siyang itutuloy ng task force ang imbestigasyon sa lahat ng anomalya sa PhilHealth gayundin sa iba pang ahensiya ng gobyerno.

Ayon kay Go, umaasa rin siyang tututukan ng DOJ ang pagsasampa ng kaso at masigurong mahahatulan at makukulong ang mga nagkasala dahil hindi nama puwedeng hanggang imbestigasyon lang ang gawin.

Umaasa rin aniya siyang gagamitin ng bagong leadership ng PhilHealth ang findings ng report para sa kanilang internal cleansing para maiwasan nang maulit ang mga anomalya at mapabuti ang serbisyo ng ahensiya para sa kapakanan ng sambayanan. (Mylene Alfonso)