Advertisers
SA pamamagitan ng Instagram Story, sinagot ni Angel Locsin ang mga netizen na nagpapakalat ng balita na hiwalay na sila ng fiance na si Neil Arce.
Ipinost ni Angel ang screenshot na nagpapakita ng series of thumbnails ng videos ng paghihiwalay umano nila ni Neil.
Base sa titulo ng videos, malinaw namang clickbait lamang ang mga ito.
Sabi ni Angel: “Oh wow. Can’t believe some people would stoop this low.”
Tanong ng aktres, bakit may mga taong nagpapakapagod talaga para siraan siya?
“Why do some people make this much effort to put me in a bad light?That is the question.”
Ginamit din ni Angel ang online sticker na “FAKE NEWS”.
Ang ibang mga netizen talaga, hndi na lang maging masaya sa kaligayahan ng ibang tao. Ginagawan pa nila ng isyu ang dalawang tao na maganda ang takbo ng relasyon at masaya sa piling ng isa’t isa.
***
GANAP nang mga magulang sina Dianne Medina at Rodjun Cruz matapos isilsng ng una ang panganay nila ng huli noong Huwebes, September 10. Pinangalanan nila ang kanilang baby ng Rodolfo Joaquin Diego III. Nanganak ang actress/TV host ng 1:55am sa St. Lukes Medical Center sa Quezon City.
Sa kanyang Instagram at Facebook account, pinost ni Dianne ang picture ng baby nila at ng picture niya after manganak.
Ang caption niya rito, “My Answered Prayer my Baby Rodolfo Joaquin Diego III [blue heart emoji]Thank you my Almighty Father [thank you emoji] September 10, 2020 1:55 am [baby emoji] please follow our baby @babyjoaquinilustre [emoji]Thank you Dra @drmaygonzaga we love you [red heart emoji].”
Sabi naman ni Rodjun sa kanyang IG post na may picture sila ni Baby Joaquin habang hawak ang kamay nito, “(September 10, 2020) Welcome to the World Rodolfo Joaquin Diego III. I Love you so much my Son @babyjoaquinilustre! I will hold your hand Forever & guide you every step of the way! [emoji] #AnsweredPrayer Thank you Lord. #BabyJoaquinILustre.”
To Rodjun and Dianne, congratulations! (Rommel Placente)