Advertisers
INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isinumiteng rekomendasyon ng task force na sampahan ng kasong kriminal at administratibo sina dating PhilHealth President Ricardo Morales at ilang opisyal ng ahensiya na sangkot sa anomalya sa loob ng PhilHealth.
Sa virtual briefing nitong Lunes ng gabi (Set. 14), binasa ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng task force na tumututok sa kontrobersiyang kinaharap ng PhilHealth.
Sinabi ng pangulo na pabayaan na gumulong ang batas at harapin ng mga sangkot ang kaso sa korte.
Maliban kay Morales, kabilang sa mga kakasuhan ay sina Senior Vice President Jovita Aragona, Officer-In-Charge Calixto Gabuya Junior, SVP Limsiaco Jr., Svp Israel Pargas, Chief Operating Officer Arnel De Jesus, at Division Chief Bobby Crisostomo.
Kamakailan sina Morales, De Jesus, Limsiaco at Pargas din ang mga inirekomenda ng Senado na dapat na maghain ng kaso dahil sa mga iregularidad sa loob ng PhilHealth kung saan ang pondo ay kinorap umano ng mga opisyal ng ahensiya na nagkakahalaga ng P15-bilyon sa pamamagitan ng iba’t-ibang mapanlinlang na pamamaraan. (Vanz Fernandez)