Advertisers

Advertisers

Mga reklamo vs PhilHealth officials ihahanda na ng DOJ

0 239

Advertisers

KINUMPIRMA ng Department of Justice (DOJ) na inihahanda na nito ang mga kasong isasampa laban sa mga tiwaling opisyal ng PhilHealth.
Ayon kay DOJ Spokesman Usec. Markk Perete, nasa 7 PhilHealth official ang kanilang nakatakdang kakasuhan.
Saad pa ni Perete, tinatapos na lamang nila ang pag-collate sa mga supporting documents para sa paghahain ng reklamo laban sa mga naturang opisyal ng PhilHealth.
Patong-patong na kasong administratibo at kriminal ang kinakaharap sa Ombudsman prosecutors office at sa tanggapan mismo ng PhilHealth ng mga tiwaling opisyal ng naturang ahensiya ng gobyerno. (Josephine Patricio)