Advertisers
UMAPELA si ACT Teachers partylist Rep. France Castro na ibalik ang inalis ng Department of Budget and Management (DBM) sa proposed 2021 budget ng Department of Education (DepEd).
Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations nitong Martes, Setyembre 15, inilahad ni DepEd Usec. Annalyn Sevilla na P1.1 trillion ang kanilang orihinal na request sa DBM ngunit P605 bilyon ang inaprubahan.
Giit pa ni Rep.Castro na bagama’t mas mataas ng 9.16 % ang P605 bilyon proposed 2021 budget ng DepEd kumpara sa P512 bilyon allocation ngayong taon.
Binigyan-diin ni Castro na kulang ang inaprubahang alokasyon para sa blended learning operation ng kagawaran sa gitna ng banta ng COVID-19 pandemic.
Dagdag pa ni Castro kasama ang pondong apektado ay ang inilagak sa laptop at television sets na bibilhin at ipamamahagi sana sa mga eskuwelahan na nangangailangan ng P27 bilyon pero P12 milyon lang ang inaprubahan ng DBM.
Panawagan pa ni Castro na dapat ibalik at kung maari ay dagdagan pa ang pondo ng DepEd at hinimok nito na ilipat na lamang dito ang P19 bilyon budget ng Nationak Task Force to End Local Communist Arned Conflict (NTF-ELCAC). (Josephine Patricio)