Advertisers

Advertisers

Galit pa rin sa ex-syota… Angelica dedma sa pag-amin ni Carlo na may anak na

0 236

Advertisers

WALANG pagsidlan ng tuwa ang bagong amang aktor na si Carlo  Aquino sa best birthday gift na bigay sa kanya ng Maykapal.

Halos lahat ng celebrities na close kay Carlo ay bumati sa kanyang pagiging first time Dad.

September 3 naman nang magdiwang  ng kaarawan si Carlo.



After 10 days, September 13 ay isinilang na nga ang sinasabi nitong  best bday gift.

Isinilang na nga ng kanyang partner na si Trina Candaza ang unang bunga ng kanilang pagmamahalan na si Enola Mithi Aquino.

Ibinahagi nga ni Carlo sa kanyang socmed ang larawan ng kanilanng  unang supling ni Trina.

Kaya ganun na lang ang kasiyahan ng  aktor na nasabay pa ito sa kanyang birth month.

Tanong ng netizens, matuwa naman daw kaya ang kanyang ex-gf na si Angelica Panganiban sa pagkakaroon niya  ng anak?



Malamang nga raw malaman ng ex ni Carlo na may baby na ito kahit pa ini-unfriend ni Angelica ang ex-bf.

Malamang na dedma lang si Angelica if ever makarating sa kanyang may anak na si Carlo.

Ang pagsilang nga raw kay Baby Enola ay magsisilbing inspirasyon ni Carlo para lalo pa itong magsipag sa work sa kabila na naapektuhan din ito ng pandemya.

Well, well, well… ‘Yun na! (Jovi Lloza)