Advertisers
PINASALAMATAN ni Senador Grace Poe ang kanyang mga kasamahan sa Senado makaraang suportahan ang isang panukala na ipangalan sa kanyang yumaong ama na si Fernando Poe Jr., na pumanaw noong taong 2004 ang Del Monte Avenue sa Quezon City
Sa inihaing Senate Bill No. 1822 ni Senador Lito Lapid layunin nito na palitan na Fernando Poe Jr. Avenue ang Del Monte Avenue sa Quezon City.
Una rito, bago ma-refer ang panukala sa Committee on Public Works, ilang senador kabilang si Senate President Vicente Sotto III ang siyang nag-manifest na maging co-authors ng nabanggit na panukala.
“I know this is unorthodox, this is only a referral of the bills but I would like to sincerely thank our colleagues who expressed to be co-authors. I’m very touched. Thank you so much,” emosyonal na pahayag ni Poe sa kanyang mga kasamahan.
Matatandaang si FPJ ay naging icon ng Filipino action movie industry at naging National Artist at nagkaroon din ng film company na matatagpuan sa kahabaan ng Del Monte Avenue. (Mylene Alfonso)