Advertisers
LUMOBO pa sa 269,407 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 3,544 new cases nitong Martes, September 15.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region na umabot sa 690 new cases habang 305 new cases sa Cavite, 201 new cases sa Rizal, 173 new cases sa Negros Occidental at Bulacan na may 98 new cases.
Ang aktibong kaso naman base sa inilabas na case bulletin #185 ay umabot sa 57,392.
Nakapagtala naman ang DOH ng 395 na bagong gumaling mula sa covid-19 dahilan para umakyat na sa 207,352 ang kabuuang bilang ng nakarekober sa virus.
Nakapagtala ang DOH ng 34 na bagong nasawi ang DOH dahil sa virus.
Ayon sa DOH, ang 29 ay nasawi ngayong Setyembre, 3 noong Agosto, 1 noong Mayo, at 1 noong Abril.
Sa ngayon, pumalo na sa 4,663 kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa covid 19.
May 25 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng covid-19 na kanilang naireport kasunod ng kanilang patuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)