Advertisers
NASAWI ang isang radio commentator sa pananambang ng riding in tandem sa Sorsogon City, Lunes ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Jobert Balidoy Bercasio alias “Polpog”, 39, dating radio reporter ng dzMS at affilated sa Balangibog New Online, residente ng Purok 3, Sitio Dancalan, Barangay Buenavista, Bacon District, Sorsogon City.
Sa ulat, nangyari ang krimen isang oras palang ang nakakalipas nang i-post ng biktima sa kanyang Facebook account ang isang quarry operation sa bayan ng Bulan sa nasabing lalawigan.
Ayon sa report, 7:55 ng gabi sakay ang biktima ng motorsiklo at patungo sa Seabreeze Subd. nang pagbabarilin ito ng mga hindi nakilalang gunmen.
Isinalarawan si Bercasio na isang hard-hitting commentator at dating announcer sa dzMS-AM bago lumipat sa Balangibog Internet TV kungsaan ipinagpatuloy niya ang pagiging komentarista.
Dati rin reporter si Bercasio ng radio station sa Legazpi City.
Nabatid na madalas batikusin ni Bercasio sa kanyang programa ang ilang pulitiko sa lalawigan.
Tinitingnan na mga otoridad ang CCTV sa lugar upang makakuha ng mga impormasyon sa posibleng pagkakakilan ng mga salarin.
Kaugnay nito, itinalaga si Lt Col Joceric Dela Pena, DPDO, upang pamunuan ang binuong Special Inventigation Team (SIT) “Bercasio” upang magsagawa ng malalimang imbestigasyon para matukoy ang mga salarin at ang motibo kung mayroon kinalaman sa trabaho ng biktima.
(Mark Obleada)