Advertisers

Advertisers

Chambers, nag-apply maging coach ng UST

0 238

Advertisers

NAG-APPLY bilang bagong head coach ng University of Santo Tomas (UST) si dating PBA Alaska import Sean Chambers.
Kasunod ito ng pagbibitiw sa puwesto ni Aldin Ayo dahil sa kinakaharap nitong anomalya sa “Sorsogon bubble”.
Isa lamang ang 55-anyos na si Chambers sa mga nagsumite ng aplikasyon para maging coach ng UST Growling Tigers.
Sinabi nito na matagal na siyang naghahanap ng mga posisyon sa bansa at ang aplikasyon na maging coach sa UST ay napapanahon na.
Noon pang 2017 aniya ay nag-apply na ito sa nasabing posi-syon.
Naniniwala ito na kayang bumangon muli at maging kampeonato ang UST.
Magugunitang bukod kay Ayo ay umalis din sa UST si reigning Rookie of the Year Mark Nonoy na sinasabing lilipat umano ito sa De La Salle.