Advertisers
BINITBIT sa presinto ang isang “hairdresser” nang atakehin nito ang barangay kagawad na sumaway sa kanya sa Sta. Ana, Maynila, Lunes ng gabi.
Ang inaresto ay si Luzviminda Rodriguez, 32, dalaga, ng 2343 Int. 1, Pasigline St., Sta. Ana.
Sa reklamo ni Edita Peralta, 49, may-asawa, kagawad ng Bgy. 777 Zone 85 at nakatira sa 2336 Arellano St., Sta. Ana, sa Manila Police District (MPD) Station 6, naganap ang insidente 7:45 ng gabi sa harap ng bahay sa No. 2342 Int. 1, Pasigline St..
Ayon kay Peralta, nakita niya si Rodriguez sa harap ng kanyang bahay na nagsisigaw, nagmumura at kung anu-ano pang masasamang salita ang sinasabi.
Pinuntahan nito ang suspek at tinangkang payapain pero sa halip na sumunod, nagpatuloy parin ito sa pagwawala. Tinangka nang arestuhin ni Peralta ang suspek pero inatake siya at nanlaban, dahilan para masaktan at masugatan siya.
Nakita ng isang barangay tanod ang komosyon kaya tumulong ito sa pag-awat at pag-aresto sa suspek at dinala sa presinto.
Nahaharap si Rodriguez sa kasong Direct Assault at paglabag sa Art. 155 of the RPC (Alarm and Scandal), (Jocelyn Domenden)