Advertisers
UPANG hindi na dumihan, irerekomenda ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa lokal na pamahalaan ng Maynila na ipagbabawal ang vendors sa paligid ng Manila Bay upang maiwasang dumumi at umihi ang mga ito sa paligid ng baybayin.
Ginawa ni DENR Undersecretary Benny Antiporda ang pahayag matapos mahuli ang isang cigarette vendor na lalaki na umeebak sa Manila Bay nitong Sabado, Setyembre 12, 2020, na agad naman nitong ipinahuli sa mga pulis.
Ayon kay Antiporda, imposibleng hindi dudumi at iihi kung saan-saan sa paligid ang mga vendor na nagtitinda sa Manila Bay dahil wala naman comfort room sa paligid nito.
Pinaalalahanan pa ng DENR ang publiko na hindi parin maaaring paliguan ang Manila Bay sa kabila ng isinasagawang rehabilitasyon dito ng pamahalaan dahil sa mataas parin ang coliform levels ng tubig nito.
Sinabi ni Antiporda na mandato ng DENR na maprotektahan ang karagatan laban sa mga nagnanais na manira at dumumi sa Manila Bay pagdidiin pa ng naturang opisyal. (Jocelyn Domenden)