Advertisers
Sinopla ni Marikina Rep. Stella Quimbo ang “over-billing”ng PhilHealth sa gobyerno sa ilalim ng pondong hinihingi nito para sa susunod na taon.
Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations sa Budget ng PhilHealth para sa 2021, pinuntirya ni Quimbo na buti na lang naging maagap ang Department of Budget and Management( DBM) sa request ng PhilHealth.
Tanging P71 bilyon lamang kasi ang pinagbigyan ng DBM mula sa P183 bilyon na orihinal na request ng PhilHealth na mapasama sana sa National Expenditure Program.
Kinuwestiyon rin ni Quimbo ang mababang koleksiyon ng PhilHealth sa nakaraang taon mula naman sa direct contributors. (Josephine Patricio)