Advertisers

Advertisers

NBA: Nuggets, kinaladkad ang Clippers, sa Game 7 West semis

0 240

Advertisers

PINIGILAN ng Denver Nuggets na tuluyang makapasok sa Western Conference Finals ang Los Angeles Clippers.
Ito ay matapos maitabla ng Nuggets ang serye sa 3-3 sa kanilang best-of-seven semifinals sa score na 111-98.
Pinamunuan ni Nikola Jokic ang opensiba ng Nuggets sa kinamadang 34 points,14 rebounds at 7 assists, habang uma-yuda ng 21 points si Jamal Murray.
Umabot pa ng 16 points ang kalamangan ng Clippers sa first half ng laro hanggang sa nakabawi ang Nuggets sa pagpasok ng second half.
Nasayang naman ang pinagsikapang 33 points, anim na rebounds at tatlong assists ni Paul George habang mayroong 25 points, 8 rebounds at limang assists ang nagawa ni Kawhi Leonard para sa Clippers.
Inamin ni Jokic na wala sa kanila ang pressure at ito ay nasa Clippers dahil isang panalo na lamang ang kailangan nila para makapasok sa confe-rence finals.