Advertisers
NAKORNER din ng mga operatiba ng PNP ang isang Most Wanted Person sa Laguna na nagtatago sa Midsayap, Cotabato.
Kinilala ang naaresto na si Mark Anthony Sison Ayub.
Sa ulat, nahuli si Ayub ng pinagsanib na pwersa ng Midsayap-PNP at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Biñan City, Laguna.
Inaresto si Ayub sa kasong murder noong nakatira pa ito sa Sitio Matamis, Nepa Hi-way Subdivision, Brgy. San Vicente, Biñan City at nagtago sa Midsayap.(PFT team)