Advertisers
SAGOT na raw ni Senator Manny Pacquiao ang gastos para sa 13 TV Channels para gamitin ng Department of Education ngayong darating na pasukan.
Ayon sa senador, hindi raw nya matiis na mapag-iwanan sa aralin ang mga estudyanteng mahihirap at nasa malayong lugar na hindi kayang bumili ng mga laptop at gadgets para sa online learning. “Galing ako sa hirap kaya alam ko ang nararamdaman ng mga mag-aaral at mga magulang nila” sabi ni Pacquiao.
“Alam ko din na hindi pa 100% coverage yang internet natin sa Pilipinas, kaya kahit me pambili ka ng laptop o gadget, hindi ka pa din nakakaseguru na aabot sayo ang mga aralin buhat sa DepEd” dagdag pa ni Pacquiao.
“Sa tulong ng mga nasa industriya ng telecommunications, nagawan namin ng paraan para me magamit na 13 TV Channels ang DepEd ng walang gastos para sa gobyerno at mga istudyante. Kaya wala ng dahilan para hindi matuloy ang pag-aaral ng mga bata ngayong darating na pasukan” ani Senator Pacquiao. “Kung saan ako muntik nang magkulang, maaga kong pupunuan. Dahil napaka-halaga ng pag-aaral para sa kinabukasan ng ating mga kabataan.” (BKC)