Kris ‘di feel ng produ kaya pinalitan ni Korina sa TV5 show; KC fans paniwala, ‘di na makaka- balikan si Piolo
Advertisers
NAGING maingay ang pagbabalikan umano ng ex-couple na sina KC Concepcion at Piolo Pascual.
As in, naging mainit na usapin ang balikan blues ng dalawa.
Mismo ang mudra ni KC na si Sharon Cuneta ay itinanggi na nagkabalikan at together again sina KC at Piolo sa social media.
Kahit si KC ay dinenay at sinunog ang basher na nagpipilit na nagkabalikan sila ni Papa P.
Sa panayam kay KC ay may nagtanong kung nag-date na ba sila muli ni Piolo.
Buong ningning naman nitong itinanggi na balik-romansa sila ng sikat na aktor.
Sa paglilinaw ng dalaga sa kanyang socmed account, inaasahan na matatahimik na ang isyu sa kanila ni Piolo.
Kahit naman daw ang followers ni KC ay naniniwala na walang katotohanan ang balikan ng mag-ex
***
TINUTURONG dahilan ng hindi pagkakatuloy ng pagbabalik-TV sana ni Kris Aquino ay ang kalusugan daw nito. Dagdag pa raw ang kalusugan ng bunsong anak na si Bimby.
Mahalaga naman daw para kay Kris ang kalusugan nila ng anak kaya okey lang na i-give up ang kanyang comeback sa telebisyon.
Alam na nga rin sa socmed na may kapalitan na nga si Kris.
Dating malapit daw kay Kris ang ipinalit sa kanya na nakasama na rin niya sa isang morning show sa Kapamilya network.
Yes, si Korina Sanchez daw ang kapalitan ni Kris sa kanyang show sana.
No hurt feelings naman umano kay Kris kung si Korina ang ipinalit sa kanya ng producer. Wala anya siyang magagawa kung mas feel ng produ ang misis ni Mar Roxas kaysa kanya.
Well, well, well… ‘Yun na! (Jovi Lloza)