Advertisers
ARESTADO sa drugs buy bust operation ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ang dating overseas Filipino worker (OFW) sa Barangay Mojon, Malolos City, Bulacan.
Sa report kay Police Brig. Gen. Rhodel Sermonia, PNP Region 3 director, kinilala ang nadakip na si Marites Montallana, 46, residente ng Olongapo City.
Ayon sa ulat, nasa 110 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P748,000.00 at drugs paraphernalias ang nakuha kay Montallana.
Sa report, 3:15 ng madaling araw nang ilatag ang buy bust sa inuupahang apartment ni Montallana.
Ayon sa dating OFW, dinadala lamang sa kanya ang shabu ng isang supplier na “Salam”, mula sa isang mall sa Marikina City.
Maaring mapabilang si Montallana sa high-value target base sa dami ng nakuhang iligal na droga. (Thony D. Arcenal)