Advertisers
‘GUILTY’ ang hatol guilty ng graft court kay dating North Cotabato 2nd district Congressman at Vice Governor Gregorio Ipong sa kasong ‘Graft’ at ‘Malversation’.
Dahil ito sa maling paggamit ng kaniyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) noong kongresista pa ito.
Kasama ring hinatulang guilty sina Dennis Cunanan at Marivic Jover, mga dating opisya-les ng Technology and Livelihood Resource Center.
Akusado rin si Alfredo Ronquillo na suma-kabilang buhay na.
Sa hatol Sandiganbayan Anti-Graft Court, napatunayan nito na hindi tama ang paggamit ng mga nabanggit na mga personahe ng pork barrel funds na nagkakahalaga ng P9.6-milyon.
Nagsabwatan sina Ipong at iba pang mga opisyal upang gamitin ang pondo sa isang ghost project kungsaan dinaan ang pondo nito sa pa-mamagitan ng non-government organization (NGO) na Aaron Foundation Inc.
Dahil dito, nahatulan sina Ipong, Cunanan at Jover ng 28-taon pagkakabilanggo at magbaba-yad ng P9.6-milyon.(PFT team)