Advertisers

Advertisers

Dahil prayoridad ang pamilya… Marian tanggap sakaling palitan bilang kapareha ni Gabby sa ‘My First Yaya’

0 255

Advertisers

IPINALIWANAG ni Marian Rivera kung bakit hindi na niya magagawa ang My First Yaya ng GMA ngayong panahon ng pandemya dulot ng mapanganib na COVID-19.

Hindi raw niya kaya na mawalay sa pamilya niya kapag naka-lock in taping siya ng kung ilang linggo. Isa pa ay mas priority raw ni Marian ang kalusugan at safety ng kanyang buong pamilya, lalo na ng kanyang mga anak na sina Zia at Ziggy.

“Mahirap man sa akin, kasi hinulma itong karakter na ito para sa akin, at nung storycon, sinabi nila na ginawa nila ang First Yaya ayon sa kapasidad na mag-swak sa akin, e, nagkaroon nga ng pandemya.



“Sabi ko, kinausap ko ang GMA kung paano ang magiging protocols nila sa taping.

“Sinabi nila, may lock in, hindi muna uuwi, or parang Descendants na nandun lahat.”

Bida ang mister ni Marian na si Dingdong Dantes sa Descendants Of The Sun na tapos na ang taping at malapit nang umere ang mga fresh episode.

“Sabi ko, ‘Naku, parang mahirapan yata ako diyan.’

“Gustung-gusto kong gawin ang First Yaya. Nakakasa na ako diyan. Buong puso at isip ko, nakalaan na gagawin ko iyan.



“Nagkataon na may pandemya tayong hinaharap ngayon. Sabi ko talaga, ‘Siguro, hindi pa ito yung time.’

“Kasi, mahirap sa akin naka-lock in, hindi ko makita ang mga anak. Nagpapadede pa ako kay Sixto, inaasikaso ko pa si Zia sa online class niya.

“‘Tapos, hindi ako uuwi ng bahay?

“Sabi ko, ‘Naku, paano ito, hindi ko kakayanin.’

“In fairness sa GMA, naintindihan nila kung saan ako nanggaling.

“Laking pasasalamat ko talaga sa GMA na every time na may ganitong nangyayari sa buhay ko, nabubuntis ako, hindi ko puwedeng gawin, e, bukal sa loob nila na tanggapin nila ang desisyon ko at sinusuportahan nila ako dun.

“Kaya very thankful ako sa GMA na sobra-sobrang lawak ang pagkakaintindi nila sa akin.

“Sinabi naman nila na naiintindihan naman nila ang desisyon ko na hindi ko kayang gawin,” pahayag ni Marian.

Hindi pa alam kung ano ang desisyon ng GMA; kung ise-shelve muna ang My First Yaya at itutuloy na lamang kapag natapos na ang pandemic at si Marian pa rin ang female lead  o kung hahanap ang GMA ng kapalit ni Marian na bidang babae na kapareha ni Gabby Concepcion.

Ayon sa Kapuso Primetime Queen, kung anuman ang desisyon ng GMA ay ayos lamang sa kanya, kung palitan man siya o i-shelve muna ang proyekto.

Samantala, tuloy ang Tadhana show ni Marian dahil sa bahay siya nagte-taping nito at ang direktor niya ay walang iba kundi si Dingdong mismo. (Rommel Gonzales)