Advertisers

Advertisers

Covid update: 249 gumaling; 259 namatay; 4,699 bagong kaso

0 253

Advertisers

PUMALO na sa 265,888 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health nitong Lunes, Setyembre 14, ng 4,699 mga bagong kaso ng virus infection.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region na umabot sa 1,498 new cases.
Sinundan ng Cavite na may 221 new cases, Bataan na may 198 new cases, Bulacan na may 185 new cases at Batangas na may 176 new cases.
Nakapagtala naman ang DOH ng 249 na bagong gumaling mula sa covid-19.
Dahil dito, umakyat na sa 207,504 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa covid-19 sa bansa.
Nakapagtala naman ng record high na 259 na bagong nasawi ang DOH dahil sa virus.
Ayon sa DOH, sa bilang na ito 28 ay nasawi ngayong Setyembre, 110 noong Agosto, 97 noong Hulyo, 22 noong Hunyo, 1 noong Mayo at 1 noong Abril.
Sa ngayon, pumalo na sa 4,630 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa covid-19.
May 27 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng covid-19 na kanilang naireport kasunod ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)