Advertisers

Advertisers

BB kay Piolo: ‘Magpakatotoo ka!’

0 231

Advertisers

PAGKATAPOS ng rebelasyon sa kanyang vlog na may namagitan sa kanila ni Piolo Pascual noong nasa America pa sila, sinasabihan si BB Gandanghari ng mga nagmamahal kay Piolo na ginagamit niya lang daw ito.

‘Yun ay para lang daw tumaas ang kanyang subscribers at viewers. Manahimik na lang daw si BB at huwag nang guluhin ang taong nananahimik. Pero hindi nakinig si BB.

Sa bago niyang vlog noong September 9, muli siyang nagsalita tungkol kay Piolo. Ayon sa dating si Rustom Padilla, hindi naman daw niya binibisto ang sexual orientation nito.



Sabi ni BB, “Kung nakikinig si Piolo, eto lang ang payo ko sa iyo Piolo. Piolo, I am not outing you. I am only speaking or talking about my experience.”

Pinayuhan pa ni BB si Piolo sa dapat nitong isagot kapag tinanong. Hindi raw maaaring pumagitna ito sa lahat ng pagkakataon at pahulain ang mga tao.

“Now, napakadaling sabihin na, ‘That was just an experience. I’m a man, I’m straight, man.’ Ang daling sabihin. Pwede mo rin sabihin na, ‘Yeah, maybe I’m gay.’

“But you can’t be… you can’t be in the middle all the time and make people guess and make people fight people, because people are insinuating who you are.”

Huwag daw hayaan ni Piolo na ma-define ang kanyang pagkatao sa ginawang revelations ni BB.



“I am not insinuating. I am merely stating an experience that will not define you… by the way, will not, will never define you. Huwag kang papayag. Ako na nagsasabi sa iyo, Piolo, don’t make that experience define you. So speak if you can. And speak not of the past.

“Don’t even speak about Rustom. Speak of the now and who are you now and that will end everything. In other words, hindi ako ang mag-a-out sa iyo. Kahit anong sabihin ko ngayon, hindi iyan pag-a-out sa iyo, o sa kahit kaninong tao.

“Kasi kung anong sasabihin mo, yun dapat ang paniwalaan ng tao, kaya dapat magpakatotoo ka, para makuha mo ang tiwala ng ibang tao,” sabi pa ni BB.

Well, kung makararating kay Piolo ang payo o hamon ni BB, pakinggan niya kaya ito o mananatiling tahimik pa rin siya? Pero para sa amin, huwag  na lang siyang magsalita.  Kung magpapaliwanag pa kasi siya ay baka lalo lang lumaki ang isyu, at magsalita na naman si BB tungkol sa kanya.

Hayaan niya na lang na mamatay ang isyu sa kanila ng nakatatandang kapatid ni Robin Padilla.

***

BUKAS  na magsisimula ang bagong noontime show ng Net 25 na Happy Time. Hosts dito sina Kitkat, Janno Gibbs at Anjo Yllana.

Makakatapat nito sa timeslot ang Eat Bulaga at It’s Showtime. Ang tanong, makaya kaya nilang talunin sa rating ang dalawang nasabing show na naging paborito nang panoorin sa tanghali ng publiko? (Rommel Placente)