Advertisers

Advertisers

702 panukalang batas sa loob ng 4 taon, naitala ni Rep. Romero

0 571

Advertisers

Napuna ng ilang manunulat maging ng online news website ang impresibong performance ng isang mambabatas sa Kamara.
Nailathala ng ilang pahayagan ang sipag na hindi maikakaila ni House Deputy Speaker at 1Pacman party-list Rep. Mikee Romero na nakapagtala ng 702 panukalang batas mula nang maupo ito bilang Kongregista.
Bukod dito, ganap nang batas ang 47 sa panukala rito. Ilan sa mga nasabing batas ay ekstensyon ng driver’s license ng limang taon, ang Free Irrigation Act, Philippine Sports Training Act at ang mandatory Philhealth coverage para sa lahat ng mga kapansanan.
Si Deputy Speaker Romero din ang isa sa principal ng Bayanihan to Heal as One and Two Act na siya ngayong malaking tulong sa Bansa at sa mamamayan.
Bukod sa pinamamalas na sipag at talino ng mambabatas, na nananatiling pinaka-mayamang Kongregista sa bansa mula 2016 hangang sa kasalukuyan. Patuloy din itong nagbibigay ng malaking tulong sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng iba’t ibang program tulad ng “Iskolar Kami ni Cong. Mikee Romero” program kung saan libo-libo ang natulungang makapag aral.
Ito din ay patuloy sa pagtulong sa mga batang may butas ang puso o Congenital Heard Disease (CHD) na sa kasalukuyan ay tinatayang nasa 600 na ang batang napa-opera nito upang madugtungan ang buhay.
Nagkarpon din ng mambabatas ang malaking partisipasyon sa larangan ng Pampalakasan lalo pa at ito ang naging Team Captain na nakasungkit ng medalya sa nakaraang Southeast Asian Games.