Advertisers
NASA hot water ngayon ang 6 neophyte policewomen nang maaktuhang umiinom sa pampublikong lugar.
Kinilala ang mga naaresto na sina Jean Tiongco, 25; Jeseel Cordivito, 26; Ma. Lorena Semilla; 26; Rose May Ogboc, 21; Shane Grijaldo, 26; at Pearl Joy Araneta, 25, pawang nakatalaga sa Sara Police Station at may mga ranggong patrolman
Sa ulat, kasalukuyang sumasailalim sa PNP Basic Internal Security Operations Course (BISOC) training sa 2nd Iloilo Police Mobile Force Company sa Camp Jalandoni, Barangay Zerrudo, Sara, Iloilo ang anim na policewomen.
Ayon sa report, mismong si Police Major Jose Nemias Pamplona, Sara Police chief, ang nakahuli sa mga babaeng pulis nang kakain ito ng tanghalian, ala-1:00, nitong Sept. 12 sa Montejo’s Restaurant sa Barangay Pasig, Sara.
Sa ulat, nakasibilyang damit ang mga naarestong lady cops habang nag-iinuman sa Montejo’s Restaurant.
“I just couldn’t let it pass what they did,” wika ni Pamplona na isinaad pa ang Municipal Ordinance 025-D, Section 7 na nagbabawal ng pag-inom sa public places sa bayan ng Sara.
Ayon kay Pamplona, sasampahan ng kasong kriminal sa paglabag sa Revised Penal Code for Disobedience sa mga naarestong lady cops.