Advertisers

Advertisers

2 karnaper bulagta sa shootout

0 230

Advertisers

PATAY ang dalawang suspected carnappers nang makipagbarilan sa mga pulis sa Koronadal City.
Kinilala ni Lt. Col. Joefel Siason, hepe ng Koronadal City-PNP, ang isa sa mga nasawi na si Rahib Omar Alikaya, habang patuloy pang inaalam ang pagkakalilanlan ng kasamahan nito.
Ang biktima ay nakilalang si Jomar Parrenoo, 32, residente ng Purok Guanzon, Barangay Morales. Bigla nalang nawala ang kaniyang Honda XRM motorcycle na naka-park sa harap ng isang establishemento sa Roxas Street.
Ayon kay Siason, na-corner sina Alikaya sa follow-up operation ng pulisya sa Purok Pag-asa, Brgy. Caloocan nang makatanggap ng sumbong mula sa nabiktima ng mga ito.
Sa halip na sumuko sila Alikaya, pinaputukan umano ang mga rumespondeng pulis kaya gumanti ito sa kanila ng putok.
Nagpapatuloy pa ng imbestigasyon ang Koronadal-PNP sa naturang insidente. (Ace Ramales)