Advertisers
INILIPAD na Linggo ng umaga, Sept. 13, ng C130 Hercules cargo aircraft ang controversial US Marine na si Lance Corporal Joseph Scott Pemberton matapos pagkalooban ng ‘absolute pardon’ ni Pangulong Rody Duterte after six years imprisonment sa salang Homicide, pagpaslang sa transgender na si Jennifer Laude sa Angeles City.
Bago ito katakot-takot na batikos ang inabot ng gobierno mula sa LGBT community, kritiko ng administrasyon at mga militante ang pagpawalang sala ng korte sa Angeles kay Pemberton.
Pinalaya si Pemberto sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law, ang kontrobersiyal na batas na umano’y pinagkikitaan ng mga gago sa Bureau of Correction (BuCor).
Kasunod nito ay lalong na-shock ang kabaklaan nang pagkalooban ng pardon ni Duterte si Pemberton. Paano daw nangyari iyon eh galit na galit si Duterte sa mga Kano? Hehehe…
Maging ang Presidential Spokesman na si Harry Roque, ang abogado ni Laude nang ma-convict si Pemberton, ay mistulang binuhasan ng kape ang mukha na namula, pero wala siyang magawa kundi ang salsalin na naman ang isyu, ipagtanggol si Duterte dahil siya ang “bibig” ng pangulo.
Anyway, wala na si Pemberton, nakabalik na ito sa Amerika. Binayaran niya ng higit P4.5 million ang pamilya Laude. Kaya tuldukan na ang isyung ito.
Pero may nais lang tayong ipaalala sa mga bakla: Lesson na sa inyo itong nangyari kay Laude. Huwag na huwag kayong mag-astang tunay na babae sa mga sundalong sabik sa babae. Dahil pagdating sa kama at nadiskubreng mas malaki pa ang titi n’yo kesa kanya, aba’y talagang malulublob sa kubeta ang mukha n’yo. Mismo!
***
Sabi ni Mon Tulfo, ang matalik na kaibigan at kaalyado ni Pangulong Duterte: Pinaka-korap na administrasyon itong kay Duterte kumpara mula kay Fidel Ramos hanggang kay Noynoy Aquino.
Agree!
Marami sa appointees ni Duterte ang binakbakan ni Mon sa isyu ng korapsyon, kabilang rito sina ex-Justice Sec. Aguirre, Gacayan Economic Zone Authority (CEZA) Administrator Atty. Raul Lambino, Executive Sec. Salvador Medialdea, BIR Commissioner Cesar Dulay, who else?
Nabunyag din ang multi-billions anomaly sa PhilHealth na pinamunuan ng appointee rin ni Duterte na si retired Army Ricardo Morales, ang katiwalian sa PCSO kungsaan nagbitiw ang General Manager na si retired Marines General Alex Balutan, ang grabeng smuggling activities sa Customs mula sa panahon ni retired Marines Capt. Faeldon hanggang sa liderato ngayon ni retired AFP Chief “Jagger” Guerrero.
Hindi naman talaga kasi mga tao ni Duterte ang karamihan sa mga magnanakaw ngayon sa gobierno kundi mga “bata” ni dating Gloria Macapagal-Arroyo.
Ang mga tao noon ni GMA na notoryos sa pangungulimbat ay nakabalik sa Duterte administration.
Sabi nga ng veteran radio reporter na si Aya Yupangco, hindi naman talaga si Duterte ang presidente kundi si GMA parin. Ganun?
Sa last two years ng termino ni Duterte, asahang titindi pa ang nakawan sa gobierno. Oo! Sa lagay ba e bababa ang mga ‘yan nang walang daang milyones ang bulsa?