Advertisers

Advertisers

TABLE TENNIS BUBBLE EVENTS IKAKASA NG PTTFI

0 228

Advertisers

MARAPAT lang na laging positibo ang pananaw ng mga National Sports Associations (NSA’s) bagama’t naantala na ang pag-eensayo para sa kanilang parating na mga Olympic qualifying tournaments dahil sa pandemic coronavirus.
Ganito sila sa Philippine Table Tennis Federation, Inc. sa pamumuno ni Ting Ledesma.
“There’s nothing we can do right now but stay positive during this situation when even sports have to take a backseat so we can follow health and safety protocols,” pahayag ni Ledesma sa nakaraamg Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sports On Air.
Binigyang-diin ni Ledesma na hindi naman nawalan ng aktibong aktibidad ang kanilang NSA sa panahon ng lockdown.
“There are other ways for our national players to stay busy and maintain a good mental and physical condition while staying at home during quarantine,” paliwanag ni Ledesma.
“On the. PTTFI ,we regularly conduct zoom training for our national players under strict supervision of our coaches and monitored by Philippine Sports Commission.”
Mayroon din aniya silang pinag-eensayuhang mga pribadong venues kung saan ay mahigpit na pinatutupad ang social distancing at iba pang health and safety protocols.
“Hiwa-hiwalay pa naman ngayon ang mga atleta natin. Merong nasa Quezon. sa Bacolod at iyong iba naman ay naka-detail sa Armed Forces of the Philippines.
Plano ng dating national player na si Ledesma na pagsamahin na lang ang kanyang mga pambansang manlalaro sa isang eksklusibong resort sa General Tinio, Nueva Ecija na gaganapin ang mga aktibidad katulad ng bubble sa NBA na tulad din ng gagawin sa PBA. Kaya lang aniya ay may kamahalan ang gastos kaya patuloy silang nanliligaw ng sponsor.
Optimistiko si Ledesma ma makaka-produce uli sila ng panibagong Olympian na tulad ng naunang si Ian Larriba at ang may pinakamalapit sa tsansa ay ang 2018 Buenos Aires World Youth Olympics champion na si Jann Mari Nayre.(Danny Simon)