Advertisers

Advertisers

Problemado sa online Learning?: Dalaga nagbigti

0 339

Advertisers

NAALARMA ang Kabataan Party-list group sa ikatlong kaso ng suicide na naitala na may kaugnayan sa blended learning, matapos mapaulat ang pagkitil sa sariling buhay ng 21-anyos na dalaga sa lungsod ng Iriga.
Sa report ng Iriga City PNP, hatinggabi nang matagpuang walang buhay ang dalaga.
Sa ulat, hatinggabi pumunta pa ang dalaga sa palikuran. Kasunod noon, nakarinig na ang pamilya ng kalabog hanggang sa mabungaran nilang wala nang buhay ang dalaga.
Hindi na idinetalye pa ang pamamaraan ng biktima sa pagsu-suicide, alinsunod narin sa guidelines ng World Health Organization (WHO) upang hindi makapagbigay ng ideya sa mga may parehong kaisipan.
Walang alam na dahilan ang magulang ng biktima sa ginawa nitong pagpapakamatay maliban sa nahihirapan umano ito sa kanyang online learning.
Isinasagawa ngayon ang online at blended classes ng CHED’s at DepEd bunsod narin sa pandemya.
Nabatid din na bukod sa pinoproblema ng dalaga ang gadget na ginagamit sa online class, nahihirapan din ito sa signal at internet connection sa kanilang lugar.
Sa ngayon, hinihintay pa ng pulisya ang resulta ng autopsy sa katawan ng biktima.
Napag-alaman na simula Enero hanggang Agosto, nakapagtala ng 34 suicide incidents ang Camarines Sur Police Porvincial Office.(PFT team)