Advertisers

Advertisers

Pemberton na-deport na, bawal nang bumalik sa Pilipinas

0 258

Advertisers

HUMINGI ng dispensa si convicted US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton sa pamilya ng pinatay niyang si Jennifer Laude.
Ayon sa legal counsel ni Pemberton, unang ipinaaabot ni Pemberton ang kanyang pasasalamat kay Pangulong Rodrigo Duterte sa paggawad sa kanya ng absolute pardon.
Ipinaabot din ng Amerikanong sundalo ang paghingi ng apology sa pinsalang idinulot ng kanyang karahasan sa pamilya Laude.
Si Pemberton ay nakulong ng 6 taon sa kasong homicide matapos patayin ang transgender na si Laude.
Nitong Linggo ng 9:00 ng umaga ay sinundo ng isang US military plane si Pemberton pabalik sa kanyang bansang pinanggalingan.
Kaugnay nito, hindi na papayagang makatapak muli ng Pilipinas si Pemberton.
Sa isang statament, sinabi ni Bureau of Immigration commissioner Jaime Morente na bunsod ito ng ipinatupad nilang deportation kay Pemberton. (Josephine Patricio/Jojo Sadiwa)