Advertisers

Advertisers

PBA nakatakdang magpulong ngayong Linggo

0 202

Advertisers

TATALAKAYIN ng Philippine Basketball Association ang kapalaran ng 2020 season ngayong Linggo, nakatakdang kausapin ni commissioner Willy Marcial ang mga players pati na rin ang Board of Governors.
Inanunsyo ng liga na makipagpulong si Marcial sa mga players sa Miyerkules, bago magsagawa ng isa pang deskasyon sa Board sa Huwebes.
Inaasahan na gagawa ng decision para sa liga “bubble” habang umaasa ang PBA na ipagpatuloy ang 45th season matapos kanselahin ang All-Filipino Cup noong March dahil sa novel coronavirus pandemic.
Sinabi ni Marcial na welcome ang input ng mga players, inaasahan ang 24 players— dalawa bawat team- ang dadalo sa meeting, sa Ginebra LA Tenorio, San Miguel Chris Ross,Magnolia Marc Pingris, NorthPort Sean Anthony, TNT Jayson Castro, Meralco Reynel Hugnatan, NLEX Asi Taulava, Blackwater Mac Belo, Rain or Shine Gabe Norwood, Phoenix Matthew Right, Alaska Vic Manuel at Terra Firma CJ Perez.