Advertisers

Advertisers

PARA-PARAAN

0 935

Advertisers

HINDI kailangan ang napakalaking budget upang maharap at masugpo ang pandemya. Ngunit kailangan ang maging malikhain. Kailangan ang ibayong talas ng pag-iisip at pakiramdam. Kailangan ang lakas ng loob.

Napanood namin ang dalawang video clip ni Bise Presidente Leni Robredo. Ang unang video clip ay tungkol sa pagbisita sa Isla ng Talim sa gitna ng Look ng Laguna at sa tatlong bayan ng Rizal. Tungkol ang ikalawang video sa kanyang pagbisita sa apat na bayan sa Bulacan. Pinasyalan kamakailan ng Bise Presidente ang mga mananahi sa dalawang lalawigan.

Sa dalawang video clip, kapansin-pansin ang saya at malaking pasasalamat sa Bise Presidente ng mga mananahi sa dalawang lalawigan. Kinontrata sila ng Office of the Vice President upang tumahi ng mga PPEs at iba pang gamit ng mga health frontliner sa pagharap sa pandemya.



Sang-ayon sa Pangalawang Pangulo, may mga pribadong tao, kumpanya, at organisasyon ang nagbigay ng donasyong salapi sa OVP upang gamitin sa pagsugpo ng pandemya. Ginamit ng OVP ang donasyong salapi upang kontratahin ang mga mananahi sa iba’t ibang lalawigan na tumahi ng mga PPE tulad ng face mask at iba pang gamit ng health worker.

Hindi naniniwala ang OVP na kailangan umangkat ng mga PPE sa China at iba pang bansa. May malusog na industriya ng pananahi ang Filipinas at maaaring gamitin ang industriya upang tumahi ng PPE at iba pa.

Inamin ng mga mananahing nakadaupang palad ng Bise Presidente na halos mamatay ang kani-kanilang komunidad mula nang ipataw ni Rodrigo Duterte ang malupit na lockdown. Tumigil ang industriya ng damit at pananahi. Nawala ang mga order ng mga mall at iba pang nagtitinda ng damit sa lokal na pamilihan. Nawala ang sigla ng kanilang bayan.

Maigi na lamang at inatasan sila ng Bise Presidente na gumawa ng mga PPE at iba pang gamit pangkalusugan. Muling nabuhay ang pananahi sa kani-kanilang komunidad. Nagkaroon ng pagkakakitaan ang mga mananahi. Hindi magugutom ang kani-kanilang pamilya.

Ayon sa Bise Presidente, hindi mahirap ang bigyan ng hanapbuhay at pagkakakitaan ang mga naatasang komunidad. Ipinaskel lamang nila sa OVP website ang pangangailangan ng mga mananahi na gagawa ng mga PPE. Kagyat na sumagot ang mga lider ng kanilang komunidad at nakipag-usap sa mga staff ng OVP. Sila ang mga mananahi sa Taytay, Cardona, at Binangonan sa Rizal at Sta. Maria, Obando, Angat, at Malolos City sa Bulacan.



Bakit hindi naisip ng mga nasa poder ang solusyon ng OVP sa pagkawala ng hanapbuhay at industriya ng pananahi? Hindi talaga maiisip iyan kung palaging natutulog si Rodrigo Duterte at ang walang kakayahan na si Francisco Duque III ang nasa timon ng DoH. Mas madali kasi ang umangkat ng PPE at iba pang gamit sa ibang bansa. Bukod diyan, may kupit na kasama.

***

NARITO ang talaan ni Jones Campos ng mga kampo na ibinigay ni Delfin Lorenzana sa China sa kasunduan nagpapahintulot na magtayo ng cell site sa kampo ang Dito Telecom.

ARMY BASES: Camp Gen. Emilio Aguinaldo, Quezon City; Camp Gen. Rigoberto Atienza, Libis, Quezon City; Fort Bonifacio, Metro Manila; Camp Melchor F. Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela; Fort Gen. Gregorio H. Del Pilar, Baguio; Camp Lt. Tito Abat, Manaoag, Pangasinan; Fort Ramon Magsaysay, Nueva Ecija; Camp Tinio, Cabanatuan City; Camp Servillano Aquino, Tarlac City; Camp O’Donnell, Santa Lucia, Capas, Tarlac; Camp Tecson, San Miguel, Bulacan; Camp General Mateo M. Capinpin,Tanay, Rizal; Camp General Mariano Riego De Dios, Tanza, Cavite; Camp Alfredo Santos, Calauag, Quezon; Camp Guillermo Nakar, Lucena City; Camp Elias Angeles, San Jose, Pili, Camarines Sur; Camp Weene Martillana, San Jose, Pili, Camarines Sur; Camp General Macario Sakay, Los Baños, Laguna; Camp General Simeon A. Ola, Legazpi, Albay; Camp Lapu-Lapu, Lahug, Cebu City; Camp Major Jesus M. Jizmundo, Libas, Banga, Aklan; Camp Gen. Macario G. Peralta, Jr., Jamindan, Capiz; Camp Gen. Adriano Hernandez, Dingle, Iloilo; Camp Monteclaro, Igtuba, Miagao, Iloilo; Camp Tirambulo, McKinley, Guihulngan, Negros Oriental; Camp Leon Kilat, Tanjay, Negros Oriental; Camp Ruperto Kangleon, Palo, Leyte; Camp Jorge Downes, Ormoc, Leyte; Camp General Vicente, Lukban, Catbalogan, Samar; Camp Martin Delgado, Iloilo City; Camp Francisco C. Fernandez Jr., Agan-an, Sibulan, Negros Oriental; Camp General Basilio Navarro, Zamboanga City; Camp Panacan – Naval Station, Felix Apolinario, Panacan, Davao City; Camp Edilberto Evangelista, Patag, Cagayan de Oro; Camp Major Cesar L. Sang-an, Pulacan, Labangan, Zamboanga del Sur; Camp Colonel Oscar F. Natividad, Manolo Fortich, Bukidnon; Camp Osito D. Bahian, Malaybalay, Bukidnon; Camp Ranao, Marawi City; Camp Allere, Salvador, Lanao del Norte; Camp Duma Sinsuat, Barira, Maguindanao; Camp Brig. Gen. Gonzalo H. Siongco, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao; Camp Robert Eduard M. Lucero, Nasapian, Carmen, Cotabato; Camp Paulino Santos, Dado, Alamada, Cotabato; Camp Brig. Gen. Hermenegildo Agaab, Malandag, Malungon, Sarangani; Camp Overton, Suarez, Iligan; Camp Fermin G. Lira, Jr., Bulaong Road, General Santos; Torrey Barracks, Malabang, Lanao del Sur; Camp Amai Pakpak, Marawi, Lanao del Sur; Camp Cabunbata, Cabunbata, Isabela, Basilan; Camp General Manuel T. Yan Sr., Tuboran, Mawab, Compostela Valley; Camp San Gabriel, Mintal, Davao City; Camp Arturo Enrile, Malagutay, Zamboanga City..

NAVAL STATIONS: Fort San Antonio Abad, Manila, Headquarters of the Philippine Navy; Jose Francisco (Bonifacio Naval Station); Heracleo Alano (Sangley Point), Cavite City; Pascual Ledesma (Fort San Felipe); Naval Station Ernesto Ogbinar (Poro Point), San Fernando, La Union; Leovigildo Gantioqui (Naval Station San Miguel), San Fernando, La Union; Narciso Del Rosario (Naval Station Balabac), Balabac Island, Palawan; Emilio Liwanag (Naval Station Pag-asa) Kalayaan Islands; Apolinario Jalandoon (Naval Station Puerto Princesa); Carlito Cunanan (Naval Station Ulugan), Ulugan; Julhasan Arasain (Naval Station Legaspi), Legazpi, Albay; Alfonso Palencia (Naval Station Guimaras), Guimaras Island; Dioscoro Papa (Naval Station Tacloban), Tacloban, Leyte; Felix Apolinario (Naval Station Davao) Davao City; Romulo Espaldon (Naval Station Zamboanga), Zamboanga City; Rio Hondo Naval Station, Juan Magluyan, Panglima Sugala, Tawi-Tawi; Taguig Headquarters of the Philippine Marine Corps.; Marine Barracks Gregorio Lim (Marine Base Ternate)Ternate, Cavite; Arturo Asuncion (Marine Base Zamboanga), Zamboanga City; Marine Barracks Domingo Deluana (Marine Base Tawi-Tawi); Camp Gen. Teodulfo Bautista, Jolo, Sulu.

AIR FORCES BASES: Colonel Jesus Villamor Air Base, Pasay City; Clark Air Base, Angeles, Pampanga; Colonel Ernesto Rabina Air Base, Capas, Tarlac; Cesar Basa Air Base, Floridablanca, Pampanga; Basilio Fernando Air Base, Lipa, Batangas; Danilo Atienza Air Base, Cavite City; Cavite Wallace Air Station, San Fernando, La Union; Paredes Air Station, Pasuquin, Ilocos Norte; Gozar Air Station, Lubang, Occidental Mindoro; Parañal Air Station, Jose Panganiban, Camarines Norte; Benito Ebuen Air Base. Mactan, Cebu; Guiuan Airfield, Guiuan, Eastern Samar; Antonio Bautista Air Base, Puerto Princesa, Palawan; Mt. Salakot Air Station, Puerto Princesa, Palawan; Edwin Andrews Air Base, Zamboanga City; Rajah Buayan Air Station, General Santos City; Lumbia Airfield, Cagayan de Oro City.

***

Email:bootsfra@yahoo.com