Advertisers
NAGKASUNDO na ang 17 mga alkalde na kasapi ng Metro Manila Council (MMC) na sarado ang mga sementeryo sa Undas o All Saints Day sa Nobyembre 1.
Ito ang kinumpirma ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) general manager Jojo Garcia sa isang panayam nitong Linggo, Setyembre 13.
Ayon pa kay Garcia, ang desisyong ito ng mga Metro Manila Mayors ay upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao, lalo na’t ipinagbabawal pa ang social gatherings dahil sa banta ng COVID-19.
Saad pa ni Garcia na nakatakda ang kanilang pagpupulong para sa ipatutupad na guidelines sa nasabing hakbang.
Matatandaan na una nang nag-anunsiyo si Manila Mayor Isko Moreno na sarado muna sa publiko ang mga sementeryo sa kanyang lungsod mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 31.
Ilang lokal na pamahalaan na rin at lalawigan ang nagpatupad sa parehong kautusan kabilang ang Mandaluyong, Valenzuela, Cebu City, Pateros, Parañaque at Marikina. (Josephine Patricio)