Advertisers

Advertisers

Mayor na may sakit nag-resign!

Sana all...

0 330

Advertisers

NAGBITIW sa puwesto ang isang mayor sa lalawigan ng Quirino dahil sa iniinda nitong sakit.
Ayon kay Florante ‘’Pong’’ Ruiz, alkalde ng Maddela, Quirino, kusa na siyang bumaba sa kanyang puwesto dahil sa iniindang karamdaman kungsaan hindi na niya nagagampanan ang pagiging ama ng bayan at para narin mapangalaan ang kanyang sarili.
Ayon kay Provincial Local Government Officer (PLGOO) Salvacion Baccay, kusang naghain ng resignation letter si Ruiz noong Setyembre 2 at natanggap ng tanggapan ni Gobernor Dakila ‘Dax’’ Cua Setyembre 10.
Dahil dito, manunungkulan bilang bagong alkalde ang Vice Mayor nito na si Rimel Tolentino.
Sabay na nanumpa sina Tolentino bilang Mayor ng Maddela, at ang No. 1 Sanguniang Bayan member na si Atty. Junard Ramos bilang bagong Vice Mayor.
Ayon kay Baccay, nagbalik bilang mayor ng Maddela si Ruiz nang matapos ang kanyang termino sa pagkabise mayor kaya maikukunsidera ulit ito bilang kanyang unang termino.
Kasalukuyan namang pinoproseso kung sino ang papalit sa nabakanteng posisyon sa pagka-SB member.
Kasabay ng pagbibitiw ni Ruiz, nagbitiw narin ang nasa co-terminus position na si Municipal Administrator (MA) Salvacion Baccay.
Hindi naman tinukoy kung ano ang karamdaman ni Ruiz na halos 20 taon nanungkulan sa local government unit (LGU) ng Maddela.(PFT team)