Advertisers
NILINAW ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi mandatory ang paglalagay ng plastic barrier sa loob ng mga jeepney.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, hindi raw nila polisiya ang paglalagay ng plastic barrier sa pagitan ng mga pasahero sa lumang dyip.
Saad ni Delgra, na ang pag-install ng mga plastic barrier ng mga operator at driver ay upang ihiwalay ang mga pasahero sa isa’t isa at upang maipakita kung paano gagawin ang physical distancing sa loob ng mga dyip.
Epektibo bukas (Lunes), Setyembre 14 ay luluwagan na ng DOTR ang social distancing sa loob ng mga public transportation mula sa 1 meter ay magiging 0.75 meters at 0.5 meters sa susunod na 2 linggo hanggang sa umabot ng 0.3 meters sa susunod pang 2 linggo. (Josephine Patricio)