Advertisers
HINULI ang ilang nagpunta sa Manila North Cemetery dahil may dalang alak ang mga ito.
Bago makapasok sa sementeryo, dadaanan muna ang mga bibista sa decontamination booth at kukuhanan ng temperatura dahil sa coronavirus disease 2019 pandemic.
Iniisia-isa rin ng mga awtoridad ang kanilang mga gamit na dala-dala.
Isang lalaki na di na pinangalanan ang may dalang kahon ng alak ang hinarang.
Isang bibisita rin na may dalang alak ang hinarang.
Nagsagawa rin ng clearing operations laban sa mga tricycle dahil ipinagbabawal ang pagpapasada sa loob ng sementeryo.
“Kaya nga po namin pinagbawal ang saksayan sa loob upang hindi tayo makapagdikit-dikit at magkaroon ng social at physical distancing,” ani Yayay Delos Reyes, ang Manila North Cemetery Director.
Kinumpiska ng mga awtoridad ang mga tricycle at i-impound.(Jocelyn Domenden)