Advertisers
INSPIRASYON SA BUHAY: “… `Ako at ang Ama ay iisa’…” (si Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas na Siyang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo, sa Juan 10:30, Ang Tanging Daan Bibliya).
***
DOLOMITE, DELIKADO PALANG MAKAIN NG BATA O MATANDA? Sa isa sa mga balita sa palatuntunang Kakampi Mo Ang Batas sa radyo, cable TV, at social media, niliwanag doon ng isang medical website na delikado pala para sa matatanda at bata ang dolomite, o yung ginagamit na “white sand” sa pampangin ng Manila Bay upang palitawing gumanda na ang nasabing coastline.
Ganito ang sinasabi sa website sa wikang Ingles: “Dolomite is a type of limestone, and is possibly unsafe for most adults when taken by mouth. Some dolomite products might be contaminated with heavy metals like aluminum, arsenic, lead, mercury, and nickel. Dolomite might cause stomach irritation, constipation, nausea, vomiting, and diarrhea.”
Dagdag pa ng website (https://www.webmd.com/) ang ganito: “Dolomite is also possible unsafe for most children when taken by mouth. Children are more sensitive than adults to contaminants such as lead. It’s best to avoid use…” May masasabi ba kayo, Department of the Environment and Natural Resources (DENR), City of Manila, and Office of the President?
***
SINO ANG SENADOR NA DI NAGBABAYAD NG UPA SA BAHAY? Sa palatuntunang Kakampi Mo Ang Batas noong Lunes, 07 Setyembre 2020, inireklamo ng isang taga-Cavite ang isang nakaupong senador ng Republika ng Pilipinas dahil ang senador, na bantog sa buong mundo sa yamang nakamtan, ay hindi nagbabayad ng upa sa bahay ng taga-Cavite.
Live ang tawag ng taga-Cavite, kaya naman nayanig ang palatuntunan, at dahil dito inulan kami ng mga tanong mula sa aming mga tagapakinig at tagapanood sa cable TV at social media platforms (Facebook Live, YouTube, at website na www.andknk.ph): sino ang senador na ito?
Dahil sa amin lumapit ang nagpapaupa sa senador, tutulungan namin siya na makasingil. Ipinangako naming padadalhan namin ng sulat ang mambabatas. Baka naman kasi sa dami ng inaasikaso niya, kasama na ang regular na pagsasanay, ay nakalimutan lamang niyang magbayad ng upa.
\Manatili po kayong sumusubaybay sa aming palatuntunang Kakampi Mo Ang Batas, alas 6:30 ng gabi Lunes hanggang Biyernes, upang malaman ninyo ang magiging bunga ng aming pagsulat sa senador. Ang mga himpilan ng radyo, Cable TV, at social media platforms kung saan lumalabas ang Kakampi Mo Ang Batas ay nakasulat sa ibaba ng kolum na ito.
***
MAKINIG, MANOOD: “Ang Tanging Daan”, Lunes hanggang Linggo, mula alas 5 ng hapon (oras sa Pilipinas), Bukidnon Radyo Power FM (Valencia City at Lake Seibu, South Cotabato), 95.5 J FM (Dangkagan, Bukidnon), DXMJ 90.3 Sunshine FM (Sumilao, Bukidnon), at sa website ng AND KNK (www.andknk.ph), YouTube (Ang Tanging Daan AND KNK), Facebook pages na www.facebook.com/angtangingdaan, www.facebook.com/attybatas, at sa CATV Cable Channels, Coron, Palawan, at Calamianes Cable TV, sa Calamianes Islands.