Advertisers
UMAKYAT na sa 261,216 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 3,372 mga bagong kaso ng virus infection nitong Linggo, Setyembre 13.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula parin sa National Capital Region na umabot sa 1,307 new cases.
Sinundan ng Cavite na may 240 new cases, Laguna na may 207 new cases, Negros Occidental na may 199 new cases at Bulacan na may 145 new cases.
Bumaba naman ang aktibong kaso sa 49,277.
Nakapagtala naman ang DOH ng 20,472 na bagong gumaling mula sa covid-19.
Dahil dito, pumalo na ngayon sa 207,568 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa covid-19 sa bansa.
May 79 naman ang naitalang nasawi dahil sa virus.
Ayon sa DOH, sa bilang na ito 57 ay nasawi ngayong Setyembre, 14 noong Agosto, 6 noong Hulyo, 1 noong Hunyo, at 1 noong Marso.
Sa ngayon, pumalo na sa 4,371 kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa covid-19.
May 19 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng covid-19 na kanilang naireport kasunod ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)