Advertisers
NASAWI ang dalawang lalaki nang bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa konkretong poste sa Barangay Piat Norte, Currimao, Ilocos Norte.
Kinilala ang mga nasawi na sina Arnold Barola at Ciari Galzote, kapwa residente ng Brgy. Maglaoi NorteCurrimao.
Sa ulat, mabilis ang patakbo ni Barola sa Mio 125 na motorsiklo at pagdating sa pakurbang parte ng kalsada, nawalan ito ng kontrol sa manibela kaya bumangga ang kanilang sasakyan sa isang konkretong poste.
Ayon sa report, galing ang dalawang biktima sa isang inuman sa kanilang lugar at nagpunta sa isang convenience store sa Brgy. San Simeon.
Pabalik na ang mga biktima sa Brgy. Maglaoi Norte nang mangyari ang aksidente.(PFT team)