Advertisers
Aminado ang Department of Justice ( DOJ) na maaring umapela si US Marine Lance Joseph Scott Pemberton para matanggal ang pangalan sa blacklist ng Bureau of Immigration (BI).
Ayon kay DOJ Usec. Markk Perete, mayroong mga procedures para matanggal ang pangalan ng isang banyaga sa blacklist ngunit walang kasiguruhan na pagbibigyan ito ng BI.
Ayon pa kay Perete,prerogative ng gobyerno kung papayagan pa ang isang banyaga na makabalik sa bansa.
Nilinaw ni Perete na depende anya ang pag-lift sa blacklist sa nagawang krimen ng mga banyaga lalo na’t aminado si Pemberton sa pagpatay sa transgender woman na si Jennifer Laude. (Josephine Patricio)