Advertisers
Isang opisyal ng DPWH sa southern Metro Manila ang kapwa kinondena ng dalawang mambabatas ng Mababang Kapulungan ng Kongreso makaraang magbigay umano ito ng komento sa ilang kasapi ng media laban kina Paranaque 2nd district Congresswoman Joy Tambunting at sa asawa nitong si former Paranaque solon Gus Tambunting.
Patungkol umano ito sa Special Operating Procedure o SOP na hiningi umano ng mag~asawang Tambunting mula sa tanggapan ng nasabing opisyal na may monicker na ARLEEN.
Lumabas umano sa isang blind item sa isang tabloid na obvious umanong
ang mag~asawang Tambunting ang pinapatungkulan.
Sa nasabing news article, binanggit ang umano’y thirty (30) percent na hinihingi ng isang mambabatas ng isang siyudad sa south Metro Manila na kinukuha umano ng kongresista in advance sa bawat DPWH project na isasagawa ng tanggapan ng madaldal na si alias ARLEEN.
Ganito rin umano ang sintemiento ni Makati 2nd district Congressman Luis Campos, esposo naman ni Makati Mayor Abby Binay laban sa nasabing DPWH official makaraan umanong magkomento umano si alias ARLENE sa harap ng mga taga~media tungkol sa isyu sa mga delays ng mga projects ng DPWH sa distrito ni Campos.
Ang pagkabalam umano ng mga infra projects sa Makati ay dahil na rin umano sa mga imposible demands at kapritso ni Cong. Campos.
Ang mambabatas din umano ang dahilan kung bakit may ilang nakaprogramang proyekto ng DPWH ang di maumpisahan.
May kinalaman din umano ang mga delays sa isyu ng SOP na hinihingi ni Campos at ng mga tauhan nito.
Mukhang iisa ang linyahan ng litanya ng nasabing DPWH official laban sa mga kongresistang nabanggit.
Tila pinatotohanan ng naasabing DPWH official ang kultura ng korapsyon sa bakuran ng nasabing ahensya ng gobyerno partikukar na isyu ng SOP.
Samantala, pinabulaanan ng mag~asawang Tambunting at ni Campos ang mga alegasyon ni alias ARLENE panabay ang pagkondena sa nasabing opisyal bilang incompetent at pagiging overstaying sa kanyang posisyon sa DPWH SOUTH METRO.
Kapit~tuko umano ang nasabing opisyal sa kanyang puwesto at halatang nag~aalaga ng ilang propagandista sa media para isulong ang personal na interes nito.
Kinuwestiyon din nina Tambunting at Campos ang paggamit ni alias ARLENE ng koneksyon nito sa mga opisyal ng DPWH central official para mapagtakpan ang mga kapalpakan nito at pagkukulang sa kanyang tungkulin.
Panahon na para alisin sa puwesto si ARLENE para mapagkalooban ng pagkakataon ang mga much deserving DPWH engineers na magserbisyo ng tapat at maayos sa south Metro Manila office.
Magiging maayos umano ang koordinasyon ng mga local executives at lawmakers ng south Metro Manila sa DPWH kung kapagdakang aalisin sa poder ang taklesa at madaldal na opisyal.
Magkakaroon ng maayos ng implementasyon ng mga mga infra projects sa nasabing AOR kung isang propesynal at matinong opisyal ang iuupo sa south Metro Manila, pahayag pa ng mga mambabatas.
May kasunod..ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com