Advertisers
Dead on arrival sa pagamutan ang 70-anyos na lola ng saksakin ng kanyang mister sa Cotabato, Central Mindanao.
Kinilala ang biktima na si Leonides Lupian Tuadles at ang salarin na kanyang mister kinilalang si Leonardo Empanado Tuadles, 72-anyos, at residente ng Purok 10 Brgy. Poblacion Makilala, North Cotabato.
Ayon sa ulat, nag-aaway ang mag-asawa na humantong sa pananaksak.
Sa report, sugatan ang salarin nang saksakin nito ang kanyang sarili.
Inamin naman ni Lolo Leonardo na hahalik sana siya sa kanyang misis ngunit hindi ito pumayag kaya nag-away sila.
Sa sobrang galit ni Lolo Leonardo, sinaksak niya ang kanyang asawa dahil nagdilim na umano ang kanyang paningin.
Sa ngayon, nakapiit na ang suspek sa costudial facility sa Makilala PNP at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.(PFT team)