Advertisers
Naaktuhan ng tauhan ng Department of Environment and Natural Resources ang isang lalaking dumudumi sa may baybayin ng Roxas Boulevard sa Maynila habang isinasagawa ang clean-up sa Manila Bay nitong Sabado, Setyembre 12.
Sa ulat, pinagalitan ni DENR Undersecretary Benny Antiporda ang naturang lalaki na hindi na pinangalanan.
Samantala, kasama ni Antiporda na bumisita sa lugar si DENR Undersecretary Jonas Leones para sa clean-up bilang paghahanda sa International Coastal Clean-up Day sa Sept. 19. (Jocelyn Domenden)