Advertisers
NAG-GUEST si Darren Espanto sa vlog ng dating kasamahan niya sa The Voice Kids na si Kyle Echarri para sa isyung gusto nitong bigyang linaw.
Sabi ni Darren, “Like a lot of people are like, ‘Bakla yan kasi.’ Oh yeah for real? Eversince The Voice Kids, when I started singing songs that are always for girls or like, I have a high voice in general, they always assume my sexual preference. But I’d like to let everyone know that, I’m straight.”
***
DARWIN YU NEVER NATAKOT MALINYA SA GAY ROLES
BIDA sina Darwin Yu at Enzo Santiago sa BL series na My Extra Ordinary. Gumaganap ang una bilang si Shake, at ang huli naman sa papel na Ken. Pareho silang bading sa series. Magkakaroon sila ng relasyon.
“Ito pong My Extra Ordinary, first BL series siya sa telebisyon. Mata-tackle po rito ‘yung iba’t ibang problems sa society like discrimination, regrets, acceptance, mga ganoon po,” sabi ni Darwin.
Hindi ba siya natatakot na ma-typecast sa ganitong klase ng role?
“Hindi naman po,” sagot niya.
“Work is work, eh. I love my work. This is my passion. Gagawin ko kahit anong klaseng role ang ibigay sa akin. Kahit husgahan pa ako ng ibang tao, I don’t care,” anya pa.
Since My Extra Ordinary ang title ng kanilang series, what makes him extra ordinary?
“I think when I love. I love really hard,” dagdag pa ni Darwin.
“Pero hindi lang naman sa pag-ibig, huh! Sa work ko, nagwo-work hard talaga ako.”
Ang BL series ay unang nakilala at sumikat sa Thailand. Anong feeling na sumisikat na rin ang BL series sa Pilipinas, na marami na rin ang gumagawa ng ganitong klase ng series?
“I’m really thankful actually. Kasi medyo nagiging open-minded na ‘yung mga tao rito sa Pilipinas. Para sa akin, hindi ko iniisip na competition ‘yung mga gumagawa ng BL series. Suportahan natin ang lahat ng BL series dahil pinaghirapan nila ‘yun. Gaya namin, pinaghirapan namin itong My Extra Ordinary, kaya sana suportahan ng tao, lalo na ‘yung mga nagmamahal sa amin,” ani Darwin.
Samantala, walang lovelife ngayon si Darwin.
“I’m single and ready to mingle,” natatawang sabi niya.
Ano ba ang hinahanap niya sa isang babae?
“Ang hinahanap ko sa isang babae, ‘yung maiintindihan ako, ‘yung understanding. At yung susuportahan niya ako sa mga gusto kong gawin, at ako rin naman sa kanya. Doon kami maggo-grow individually, and as a partner. At have faith in God. Gusto ko talaga ‘yung may faith kay God. Kasi roon mabubuo ‘yung love and trust namin sa isa’t isa.”
Ang My Extra Ordinary ay mapapanood na simula sa September 27 sa GagaOOlala, TV5 at sa Asterisk Digital Entertainment Youtube Channel.
***
Lovi Poe nanggulat sa fan edit ng movie poster
NAWINDANG at nagkagulo ang celebrity friends ni Lovi Poe nang makita ang kanyang movie poster kasama ang mga nagga-gwapuhang oppa.
Ipinost ng Kapuso actress sa Instagram ang fan edit poster ng kanyang trending movie na ‘Hindi Tayo Pwede’ na napagitnaan ng Korean stars na sina Ji Chang Wook at Park Seo Joon.
Biro pa ni Lovi sa kanyang caption, “Ba’t hindi? Pwedeng pwede! P.S. Nakapila naman ako ah…. to catch my latest movie. Ang funny ng edits n’yo! P.P.S. Paki add si Jung Hae-in sa next edit.”
Bentang-benta naman sa ilang artista ang naturang post gaya na lamang ni Yasmien Kurdi na humirit pang nahulog siya sa upuan kakatawa, “Nahulog ako sa upuan sis!”
Parehas na bibida sina Lovi at Yasmien sa pinakabagong offering ng GMA Drama team na ‘I Can See You’ na mapapanood sa Telebabad block ngayong Setyembre sa GMA-7!