Advertisers
LUMOBO na sa 257,863 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 4,935 mga bagong kaso ng virus infection.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula parin sa National Capital Region na umabot sa 2,619 new cases.
Sinundan ng Cavite na may 343 new cases, Laguna na may 258 new cases, Rizal na may 227 new cases at Negros Occidental na may 177 new cases.
Nakapagtala naman ang DOH ng 659 na bagong gumaling mula sa covid-19.
Dahil dito aabot na ngayon sa 187,116 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa covid-19 sa bansa.
May 186 naman ang naitalang nasawi dahil sa virus.
Ayon sa DOH, sa bilang na ito 36 ay nasawi ngayong Setyembre, 63 noong Agosto, 59 noong Hulyo, 24 noong Hunyo, 3 noong Mayo at 1 noong Abril.
Sa ngayon, pumalo na sa 4,292 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa covid 19.
May 36 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng covid 19 na kanilang naireport kasunod ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)