Advertisers
SINIBAK na ng Phoenix Super LPG Fuelmasters ang kanilang head coach na si Louie Alas.
Sa inilabas na kalatas ng Phoenix, ang nasabing hakbang ay matagal na nilang napag-usapan ng koponan.
Ito aniya ang naging desisyon nila bago ang pagsisimula ng PBA dahil sa coronavirus pandemic.
Papalit naman sa kaniyang puwesto ang associate head coach ng koponan na si Topex Robinson bilang interim coach.
Umaasa aniya ang koponan na magtatagumpay sila sa kamay ni Robinson.
Dinala ni Alas ang koponan sa number 1 spot noong 2019 Philippine Cup kung saan umabot pa sila sa semifinals subalit nabigo sila San Miguel Beermen 4-1.