Advertisers

Advertisers

Yasmien nag-self-quarantine sa bahay nang matapos ang taping ng serye

0 448

Advertisers

VERY supportive at hands-on mommy si Carmina Villarroel pagdating sa kanyang kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi.

Sa recent YouTube vlog ni Carmina, idinetalye ng ‘Sarap, ‘Di Ba?’ host ang kanilang maingat na pagpunta ng salon para sa pagpapagupit ng kambal. Hindi pa raw nakakapagpaayos ng buhok ang dalawa mula nang ipatupad ang quarantine at kailangan na talagang magpagupit, “The reason why we’re here is because back to work na kasi kami. Kailangan na talaga magpagupit ni Maverick. Nahihirapan na siyang ayusin ‘yung buhok niya. We’re taping Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition and All-Out Sundays kaya kailangang-kailangan na talaga. Of course, we have to look presentable sa camera.”

Muli namang pinaalala ni Carmina na mahalaga ang ibayong pag-iingat kung kinakailangang bumisita sa salon gaya na lang ng pagbu-book ng appointment at pagsusuot ng protective gear.



Ngayong Sabado (September 12), tutukan ang sikat na Kapuso siblings na makikisaya kasama ang pamilya Legaspi sa fresh episode ng ‘Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition’, 10:00AM, sa GMA-7!

***

MATAPOS ang lock-in taping para sa mini-series na “I Can See You: The Promise,” nakauwi na si Yasmien Kurdi sa kanyang bahay na may sorpresang naghihintay para sa kanya.

Sa Instagram, ipinost ng aktres ang maikling video kasama ang caption na “Grabe naman may pa-surprise pa sila Pangga at Ayesha Zara sa akin pagbalik ko sa bahay from my lock-in taping…may pa bouquet pa! Para naman akong balikbayan lol! Sobrang sweet naman…nilinis pa talaga nila yung room at inayos kung saan ako magse-self quarantine for few days…”

Pero para kay Yasmien, bawal pa rin ang physical contact, “Pasensya na sa inyo bawal muna kiss, hug at kwentuhan…kaya lumalayo rin ako (kwentuhan nalang tayo sa video call kahit nasa kabilang kwarto lang ako). Konting tiis lang para sure talaga na safe. Salamat talaga! Mahal ko kayo.”



***

MASAMA bang umibig sa kakambal ng iyong asawa? Tunghayan ang isang kuwento ng walang katulad na pag-iibigan. Ngayong Sabado na sa Magpakailanman. #MPKMahalKoKambalMo

Mabaling kaya ang atensyon at pagmamahal ni Connie sa kakambal ng namayapa niyang asawa?

Isang mahusay na aktres at direktora at dalawang produkto ng StarStruck ang mapapanood sa Magpakailanman ngayong Sabado, alas otso ng gabi sa GMA.

Pinamagatang Kambal Na Pagmamahal: The Connie Guarino Story, tampok sa episode sina Gina Alajar, Dion Ignacio at Katrina Halili.

Tampok din sa naturang episode sina Djanin Cruz, Leanne Bautista at Bryce Eusebio, sa direksyon ni LA Madridejos. (Rommel Gonzales)