Advertisers

Advertisers

Sen. Go suportado ang bagong bersyon ng coco levy bill

0 448

Advertisers

TINIYAK ni Senador Christopher “Bong” Go ang kanyang suporta sa latest version ng coco levy bill na pinag-uusapan sa plenaryo ng Senado.

Sa regular session ng Senado, iginiit ni Go ang kanyang suporta sa pagpasa at maging co-author ng panukala para sa kapakanan ng mga less fortunate na magniniyog sa bansa.

Sa ginawa niyang interpellation ay tinanong ni Go ang kanyang kapwa senador kung paanong matitiyak ang benepisyo ng coco levy sa mga mahihirap na magniniyog at kung ilan ang bilang ng mga ito.



Dito napag-alaman na sa huling bilang noong 2017 ay nasa 2.4 million na magniniyog sa bansa kung saan makikinabang ang nasa 67 coconut producing provinces, 5 lungsod at 1,346 na bayan.

Matatandaang una nang na-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing panukala dahil sa kakulangan ng vital safeguards. (Mylene Alfonso)