Advertisers

Advertisers

Sanya: Malaking tulong ang itatayong airport sa kapwa ko Bulakenyo

0 811

Advertisers

Ngayong panahon ng pandemya dulot ng Covid-19 ay naiisip ni Sanya Lopez ang kalagayan ng mga kababayan sa kinalakhang lugar sa Malolos, Bulacan. Kaya’t natutuwa sya nung mabalitaan na may itatayong airport ang San Miguel Corporation sa di-kalayuan sa bayan ng Bulakan.

“Nakaka-proud kasi taga-Bulacan ako and magkakaroon na kami ng airport dito,”wika ni Sanya.

Alam ng aktres na ito ay magbibigay ng pag-asa sa mga nawalan ng hanapbuhay at naapektuhang negosyo sa probinsya nya.



Namangha siya nang nalaman sa mga balita na pag nagawa ang ang nasabing airport ay kaya nitong tumanggap ng 100 milyon na pasahero kada taon dahil sa paunang apat na runway, world class na terminal at transport system. Maliban dito ay mahigit isang milyong trabaho ang magagawa nito, sisibol ang iba’t ibang negosyo at makakatulong mapaunlad ang turismo.

“Malaking bagay ang magagawa ng San Miguel sa aking mga kababayan sa Bulacan. It will not only generate jobs to my kababayan kundi marami rin ang papasok na turista at businesses pa sa aming lugar,” dagdag pa niya.

Kaya’t dahil dito ay lagi niyang pinapaalala na mga kababayan na iwasang magkasakit at huwag mawalan ng pag-asa sa krisis na kinakaharap ng bansa at ng probinsya.

“Ang message ko sa aking mga kababayan sa Bulacan ay maging maingat lagi sa sarili. Follow safety protocols. Wear mask and face shields. Let’s wash our hands regularly. And practice social distancing. Tatlo lang naman yon na ating tatandaan para makaiwas tayo sa Covid. And let’s not lose hope. Pag-aralan nating mag-cope sa ganitong crisis. Hindi naman tayo bibigyan ng problema na hindi natin kaya,” ani Sanya.

“Likas naman sa ating mga Bulakenyo ang pagiging matulungin kaya magtulungan tayo ang keep the Bayanihan spirit within us. Darating ang panahon at malalagpasan din natin ito sa awa ng Diyos,”



Kahit hirap sa umpisa ay nakakapag-adjust na rin si Sanya sa tinatawag na “new normal. “Hindi pa rin ako gaanong nakakalabas dahil puro work from home lang ang ginagawa ko na binibigay sa akin ng GMA and endorsements.  If I may count it mga three times lang akong nakalabas, yung nagtaping ako for Wish Ko Lang and isa pang show.”

Kaya medyo nalulungkot sya dahil limitado ang galaw tulad ng nakakarami dahil sa pandemya.“Medyo malungkot dahil isa pa naman sa mga dream ko ang makapag-travel sa ibat ibang lugar,” kuwento ng dalaga.

Pag napapag-usapan nga ang byahe ay hindi nya maiwasang maalala ang mga napuntahan lugar, lalong na ang mga paborito niya na Japan, Boracay at Canada.

“Nag-enjoy ako sa Japan dahil masarap ang food nila doon. Favorite ko rin kasi ang ramen lalo na sa kanila is authentic talaga. Isa pa ay naging bonding din namin ito ng brother ko (Jak Roberto) at ni Barbie (Forteza) dahil kasama ko sila noon.”

“Sa Boracay naman, na-enjoy ko sya dahil ito ang first time na nakapag-bakasyon ako after three years na tuluy tuloy ang trabaho. After Encantadia ay nabigyan agad ako ng project ng GMA kaya medyo hindi ako nakapagbakasyon. Nagandahan naman ako sa Canada kahit short visit lang ginawa ko. Nakita ko kung gaano sila ka-disciplined sa kanilang lugar,” paglalahad nya.

Kaya optimistic sya na pag nalampasan na ng buong mundo ang Covid-19 pandemic ay babalik rin sa normal at mas mapabubuti pa ang pamumuhay ng mga tao, lalo na sa bayan ng Bulacan.

“Alam kong lilipas din itong crisis natin at babalik din sa normal ang lahat. Mabibisita ko pa rin yung mga lugar na di ko pa napupuntahan,”positibong sagot ni Sanya.

At dahil malapit lang sa bahay nya sa Malolos ang itatayong airport, baka rito rin sumakay ng eruplano si Sanya sa kanyang mga susunod na byahe. (Showbizteam)