Advertisers

Advertisers

Piolo latest brand ambassador ng Beautéderm

0 368

Advertisers

PASABOG ang ikatlong quarter ng taon sa bakuran ng Beautéderm Corporation na isang milestone sa pormal nitong pagsalubong kay Piolo Pascual, sa lumalaki nitong pamilya bilang latest celebrity brand ambassador.

Minamarkahan ng taong 2020 ang 11th anniversary ng Beautéderm bilang isa sa major key players ng beauty and wellness industry sa bansa at ang pagsali ni Piolo bilang ambassador ng brand ay isa sa mga bigating sorpresa na inihanda ng kompanya para sa loyal customers, resellers, at distributors nito ngayong taon.

Ang Beautéderm President and CEO na si Rhea Anicoche-Tan, na pinangaralan ng People Asia magazine sa prestihiyosong roster ng taunang “Women of Style and Substance” issue nito ngayong Setyembre, ay maligayang-maligaya na bahagi na ang award-winning actor sa kompanyang kanyang itinatag 11 years ago.



“Nasa bucketlist ko na si Piolo magmula noong sinimulan ko ang kompanya noong 2009,” sabi ni Anicoche-Tan.

“With hard work, careful planning, and prayers, nagkatotoo na ang aking pangarap to have him as one of my ambassadors. I have always admired his body of work as one of the most accomplished and respected artists in the industry,” aniya pa.

Si Piolo na very active at healthy ang lifestyle, ay ine-endorse ang Beau Charcoal Soap mula sa Spruce & Dashmen’s line ng brand – isang best-seller at paboritong produkto ng libu-libong consumers. FDA notified at certified Superbrands bath soap ang Beau. Nagde-detoxify at nag-e-exfoliate ito habang nagbibigay ng clean, fresh, at delicious scent lalo na para sa mga busy na kalalakihan, na laging on the go gaya ni Piolo.

“Longtime user ang kapatid kong babae ng Beautéderm products, marami na akong nabasa tungkol sa brand, at nakakarinig ako ng positive feedback tungkol sa brand mula sa aking mga kasamahan sa trabaho.

“Daily essential para sa akin ang Beau as it truly delivers its promises –relaxed, energized, at rejuvenated ako tuwing nagsha-shower ako after a long day,” saad ni Piolo.



Nagpapasalamat din si Ms. Rei sa patuloy na support ng mga loyal Beautéderm users sa gitna ng pandemya. “Patuloy kaming magiging faithful sa aming commitment na pagsilbihan di lamang ang aming users kungdi pati na rin ang aming resellers at distributors sa pagde-develop ng mga produkto na mataas ang kalidad. We have partnered with Piolo dahil marami kaming similarities and chief among them is our unrelenting passion for excellence. Humbled kami na bahagi na siya ng aming pamilya.”

Si Piolo naman, na isa ring negosyante, ay inspired sa business model ng Beautéderm. “Nakakatuwang malaman na madaming tao kasama na ang kanilang mga pamilya ang natutulungan ng brand dahil sa business opportunities na naibibigay nito sa mga resellers at distributors sa buong bansa. Their sales force is one of the most hard-working teams I’ve ever seen and I am honored to be part of Beautéderm.”

Para sa mga exciting na balita at lahat ng mga hottest update ukol sa Beautéderm at kay Piolo, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm sa Facebook, at mag-subscribe sa BeautédermTV sa YouTube. (Nonie V. Nicasio)