Advertisers

Advertisers

P4.5M puslit na ukay nasabat sa Cebu

0 240

Advertisers

Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Cebu ang tinatayang nasa mahigit P4.5 milyon halaga ng mga “used clothing” o ukay-ukay na galing sa bansang China.
Sa ulat, dumating ang isang container na naglalaman ng 694 “bales” o bunton ng mga ukay-ukay na tinatayang nasa halagang P4,585,000 sa pantalan ng Cebu mula sa bansang China nitong Set. 1, 2020 kung saan idineklara ang mga ito na “hotel supplies” na naka-consigned sa GRR Trading.
Dahil sa sunod-sunod na pagkakasangkot ng GRR Trading “smuggling” isinailalim ang nasabing container sa physical examination kung saan nabuking ang mga nasabing kontrabando.
Inisyuhan ni District Collector Mendoza ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) ang nasabing kargamento dahil sa paglabag nito sa Republic Act No. 4653 o “prohibiting the importation of used clothing to safeguard the health of the people and maintain the dignity of the nation.”(Jocelyn Domenden)